Showing posts with label napocor1979. Show all posts
Showing posts with label napocor1979. Show all posts

Tuesday, October 22, 2013

Total eclipse of the heart

After 30 years at sa ngayon ay wala na ako sa Napocor ay lubhang kay daming mga ala-ala ang awitin na ito sa aking buhay at siguro rin sa buhay ng aking mga nakasama lalo na noong panahon ng dekada otsenta(80s). Matagal din na laging tinutugtog ito sa mga piling lugar na palaging puntahan namin na usually ay tinatawag na 'after 5'. Kay raming istorya at kay daming nakita. Sige na kaibigan...mag-kuwento ka naman at susunod ako. Teka uorder muna ng ako ng 'two bottles'.

Thursday, February 16, 2012

It's More Fun in S.O.



Sa darating na February 25, 2012 ay magaganap ang isang 30th reunion ng mga dating empleyado ng System Operations nang dating National Power Corporation.

Masasabi kong nagmula lahat ang mga orihinal na taga SO sa Napocor o National Power Corporation. Na noong taong 2003 naman ay napalipat sa Transco 0 Transmission Corporation. At sa pangkasalukuyan naman ay nasa ilalim na nang NGCP o National Grid Corporation.

Halos 27 taon akong naging empleyado ng System Operations at masasabi kong nakita at nasaksihan ang mga trabaho, pagbabago, kaguluhan, kantyawan, lasingan at kasayahan sa loob ng System Operations. Kaya ang masasabi ko ay "It's more fun in SO."

Bakit "It's more fun in SO."?

Ang sarap ng respetohan.

Dito ko nakita ang malalim na tunay na pagrerespeto sa isa't-isa. Nalilito nga ang mga ibang empleyado noon na hindi taga-SO kasi hindi nila malaman kung sino ang boss at kung sino ba ang tauhan. Ang lahat ay tinatawag na Sir. Ang kung hindi naman Sir ay Boss ang ikinakabit sa una ng pangalan ng empleyado. At ang malamang kapag hindi bagay sa tunog ng pangalan lalo na sa mga seniors sa loob ng SO ang Sir o Boss ay ginagamitan naman ng Mr. o Mang.

At ito nga ehemplo na inabot kong mga tawagan noong 1979:

Mang Pol o Mr. Partoza at kung may biruan ay pwede ring PolBos. Pero ako ay nasanay na sa
Mang Pol.

Mr. Plata at Mr. Eleazar naman ang mga nakakataas noon sa SO.

Mang Maning( Pascual ). Mang Fred. Mang Ruben.

Boss Yollie o BosYo (Reyes) at Boss Orly (Angat)
Boss Joe, Boss Rolly, at Boss Ike

At ang lahat ay halos Sir at Mam na ang tawagan. Kasama dyan sa tawagan na iyan ang mga drivers at mga guwardiya sa loob ng SO.

At dahil sa isa ako sa mga huling umalis sa SO. Sabi nga nang mga bagong empleyado ay isang poste daw ng PMC building ay sa akin. Kaya ayun halos lahat ay Mang Jess ang tawag sa akin.


Di lang pampamilya, Pang sports pa!

Upang pagandahin ang samahan ng mga empleyado sa SO ay may taunang kompetisyon. Nagsimula ang lahat ng ito nang nasa isang bubong na lamang ang buong SO, sa PMC building sa Diliman, Quezon City. Dito kinagiliwan ang Battle of the Brains, Basketball, Swimming, Table Tennis, Chess, at Darts.

Mawala na ang Overtime, 'Wag lang ang Kantyawan!

Ganyan kasaya sa loob ng SO. Kaya ba ng ibang grupo yan?

Di baleng Sira-ulo, 'wag lang bungi!

Isang biru-biruan ito kapag may-interview daw ang isang aplikante sa SO. Tingin ko totoo ito...haha.

Naging magkakapamilya at kapuso!

Dahil sa sarap at saya ng samahan sa SO ay halos naging magkukumpare at kumare ang mga empleyado dito. Na lalong nagpatibay sa masasayang samahan sa loob at labas ng SO.

At marami rin na sa loob ng SO ang nagka-asawahan. Katulad nila:
Marilyn at Alex(Sace), Bing at Cora (Guanzon), Kate at Celing (Medina), Henry at Espie (Marasigan)....


Ang buwan ng Disyembre ay parang Pistahang Pasko sa SO!

Isang naging tradisyon noon na magkaroon ng isang malaking Christmas Party sa SO na kadalasan na ginagawa noon sa PMC building basement. Kay daming masasayang alaala ng selebrasyon ang ginawa PMC basement. At bago ang malaking party na ito ay may kanya-kanyang party ang mga Departments at Divisions ng SO na kung saan ay pwedeng bumisita at makisaya ang lahat.

At ang huling sampung taon ko sa SO ay naging kasayahan na ang pagtugtog ng SO Band tuwing Christmas Party. Tunay na mauuwi ang lahat sa sayawan.

Mga Birthday ng mga BOSS!

Halos bawat buwan ay siguradong may kainan at inuman kapag kaarawan ng isang VP o Managers ng SO. Kaya takbo na bago maubusan ng pansit, pandesal, at beers.

Up, Up, and Away!



Dahil sa dami ng projects ng SO kaya ayun halos lahat ay nagkaroon ng pagkakataon na makasama sa training sa abroad. Super saya talaga...syempre.

Drink Now Pay Later!

Walang iwanan. Kaya sa mga happenings after five ay sama na. Divide-divide ang tawag naman dyan in the morning. Salamat Kuya Mel(Nodalo).

It's more fun kasi dahil may isang Boss Yolly!

Iba ka talaga Boss Yolly. Nakita ko kung paano mo pinasaya at pinakisamahan ang lahat sa SO sa kabila ng mabigat na trabaho ang ating ginagawa noon. Wala ka na noon sa SO pero di ka nagbago at patuloy mong ginagampanan ang iyong nasimulan na magdulot ng kasayahan hanggang sa ngayon.

Maraming salamat Boss Yollie sa kasayahan at sa buong SO.


Tunay na "It's more fun in System Operations."




















Saturday, November 26, 2011

Discounts for Senior Citizens

Reasons Why the Government Gives Discounts
to Senior Citizens:


1. FOOD– marami nang bawal.
2. TRANSPORTATION – nahihirapan nang sumakay.

3. GROCERIES – ‘di na kayang magbuhat

4. CINEMA – malabo na ang mata.

5. CONCERTS – mahina na ang pandinig.

6. GAMOT – hirap ng lumunok

7. HOTELS – ano naman ang gagawin doon?
(Baka Motel ito?)


LESSON:
Enjoy life while you’re still young, don’t wait for discounts.

Monday, October 10, 2011

Hi-Tech Na Si Lolo


Isang bagong website ang aking sinubukang gawin at ito nga ang Hi-Tech Na Si Lolo na ang layunin ay mabigyan ng konting gabay ang ating mga mahal sa buhay lalo na ang ating mga Tatay at Nanay o Lolo at Lola na sa ngayon ay palagian na lamang na naiiwan sa bahay.

Sa aking palagay naman ay halos karamihan sa ating bahay ay may computer na naiiiwan. At puwedeng ipagamit sa ating mga matatandang mahal sa buhay.

Naisipan ko ito dahil sa nasabi sa akin ng isang kaibigan isang VP na siya sa isang magandang opisina pero sabi niya ay hanggang sa paggawa lamang ng email ang kanyang nagagawa sa kanyang laptop. Siya kasi ay nasa idad 50 plus na at malamang talagang maaaring may tauhan siya sa opisina na gagawa sa kanya kaya marahil hindi na siya gumagawa ng paraan matutunan ang maraming nagagawa ng isang computer.

Ayoko rin kasing makita na naiiwan na lamang ang mga Tatay at Nanay o Lolo at Lola sa harapan ng telebisyon. Kailangan kasi kahit papaano ay maging malikhain(creative) pa rin sila sa kanilang buhay kahit sinasabing retirado na sila o senior citizen at ang isang paraan nito ay ang paggamit ng computer na kung saan ay maraming matutunan sa loob ng internet.

Tatalakayin dito sa mga simpleng paraan ang mga makabagong salita, halimbawa ay:

1. Wi-Fi/Wireless
2. Virus
3. Browsers
4. Internet
5. Parts of the Computer
6. Blog
7. Tablet computer
8. At mga bagong words katulad ng HDMI, USB,...at iba pa na madalas nakikita na sa mga bagong TV.

Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makita ang mga taong may mga dementia na at maraming pag-aaral na nagsasabing na kapag ginagamit pa rin ng madalas ang isipan lalo na ang patuloy na pag-aaral o paggamit nito lalo na nga nang pagko-computer ay maiiiwasan ang tuluyang paghina ng memorya.

Kung may kasama kayo sa bahay na nais matuto ng computer ay bigyan ninyo sila nang paimulang pagtuturo at sa pamamagitan ng Hi-Tech Na Si Lolo ay maituloy ang pagtuturo sa kanila.

Maraming nagtuturo sa loob ng internet ngunit nakita ko na halos lahat ng ito ay nasusulat sa wikang banyaga.

Isang panimula lamang ito upang tuluyan na magkaroon ng panibagong mga pag-aaral ang ating mga mahal sa buhay sa mga makabagong teknolohiya.

Naito ang link sa website ng Hi-Tech Na Si Lolo (Here).

Wednesday, July 29, 2009

Shakey's Days

Remember who always request this song for the band to play?

Talaga bang hindi natin napanood si Arnel Pineda sa Shakey's Pizza hoping natin noon?

Tuesday, July 14, 2009

Reminiscing the 70's

I posted this link on my earlier post. Just made this video clip in one click(para isang click lang hindi na magpapaikot-ikot sa youtube channel. And I would like to thank the one who posted this video in youtube.

If you enjoy this video clip you can subscribe to his videos in the youtube channel.

Monday, July 13, 2009

Renewable Energy Act news - from L. Cruz's email

Per DOE:
Potential RE: 200,000 MW
Investment needed: $ 1 to 2M/MW
Target: 9000MW in 10yrs
Objective: to bring down the rates to consumers from P7 to 4.50/Kwh
Incentives:
1) 1% of gross income on RE development projects
2) income tax holiday for 7 years
3) corporate tax rate of 10% of net taxable income
4) duty free importation
5) 10 yr exemption on tariff duties
6) net operating loss carry-over
7) accelerated depreciation
8) 0% VAT rate
9) cash incentive for missionary electrification
10) special realty tax
11) tax exemption on custom duties
12) tax credit on domestic capital investment
13) 10 yr duty free importation and VAT exemption of all types of agricultural equipment and machinery
14) tax rebates on purchase of RE components

I found this related link about IRR of Renewable Energy very informative and nice website.

And another related link from Business Mirror website about Renewable Energy.


Sunday, July 12, 2009

Good Health, Good News, and New Technology

Kapag medyo sinisipag pa kayo na magbasa na something good for your health, something new in science or some new technology just click on the links at the right side.

Enjoy and be healthy!

Thursday, July 9, 2009

My Kasal - April 26, 1981

I just found this photo and this was 28 years ago. How I wish life is all of a happy celebration. Life was so simple then...wala pa masyadong Malls. So the group can greatly attend weddings...specially my wedding. The ladies(Edna, Zeny & Mercy...siguro nasa step-in shopping sila) were not in this picture but somehow I still remember that Greg's wife(Dory) was able to come and enjoy the company of the Telemetering group. Larry D was the pilot of our very reliable van. To you guys...Maraming Salamat!

PS. Hindi ko kayo talaga makakalimutan kasi yung palantsahan(kabayo) sa bahay na isa sa mga regalo ng tropa ay hanggang ngayon yun pa rin ang palantsahan namin...palagay ko aabutan pa ng mga apo ko.

Boss Greg Santos...Condolence

Peace, prayers and Blessings. And may the love of those around you help you through the days ahead.

I just the read the news on the latest post of Boss Yollie and an email from Boss Lino that the wife of Greg, Dory Santos, passed away last July 8, 2009. Her remains is at St. Peter Funeral Home, Quezon Ave., QC. Internment will be on July 14, 2009 at Eternal Gardens.

I hope Greg's friends could also send their condolences through this post and Boss Yollie's blog site.

Tuesday, June 30, 2009

SO Band






Pupunta daw sila sa birthday mo Bosing kaya lang kung kasama lang daw ako. Next time Boss Yollie para pahinga na muna ang kareoke.

Friday, June 19, 2009

Bagong Luma, Lumang Bago Muna


(Translation)
Bawal na kayo Inom Red Wine sa Christmas Party '09
sa Chinese New Year Na Lang!
Tea lang Inom!

Ang mag-violate isusulat iyang chinese character na iyan
1,000 times.

Medyo naubusan ako ng kuwento kaya naito muna mga pictures from SCADA/EMS Division Christmas Party 2004.
Sila ba ang mga bagong may-ari ng korporasyon?
Mga singkit kasi sila. Lalo na iyong naka "amerkana".

Preng Boy puwede bang mahiram ang "amerkana" mo?...may interview lang ako.

Boss Sonny....smile muna!

Boss Rolly...Boss Sonny...Boss Boy
sila ang mga batang Delta!
Hindi Delta sa QC ha...kami na lang oldies ang nakakaalam nuon.
Top Secret na lugar iyon!


Ang Nanay ng SCADA ang may hawak ng cheke.
Itago mo na Inay iyan at baka mapunta pa iyan sa tapat.
Baka madagdagan pa ang mga iskolar ng bayan.
Ganyan na ba ka-laki ang cheke ngayon sa Pilipinas?
Sino kaya ang pinaka-bata at pinaka-matanda?
Joel...Glorman...lubayan na ninyo ang bata diyan sa gitna!
Ang pinaka-matanda diyan ay nag-asawa ng Baby!
Diyos ko po!...hehe


Sino kaya ang pinaka-senior?
Sukatin ba ang baywang o ang noo?
Ninong kamusta na!


Isa napunta sa Australia at yung isa sa Canada
and yung isa walang kakupas-kupas.

Oldies but Goodies!
Mukhang may meeting para sa lipat.
Wag ninyong iwanan si Ric Sigreto...eh si Bos Art pala.

Boss Joe...hindi ka makatakas...kasi diyan ka pumuwesto.
Si Boss Art hindi tatayo yan hanggat hindi naka-sleep.
Kasama sa ritual yun ni Bos Art!
Mr Cueto...kayang-kaya mong bangkaan ang mga iyan!
Si Boss Fidel ang nagmana sa SCADA/EMS Division.
Boss Fidel kumbidahin mo naman kami sa Christmas Party 2009.
Tradisyon na yan ng SCADA ang magpa-red wine sa mga kapitbahay.
Sino ang original na Mr. Pogi sa kanila?
Pre wag kang mag-alala marami pang beer sa ref!

Oh bahala na kayo...mas tumanda ba sila? o mas bumata?(ano kayang sikreto nila??...Belo kaya?

Sunday, June 14, 2009

Buhay Napocor

Abet Angelo, Boy Mac, Cora , Atong , Joel ,Liza , Edna , Zeny , Rosie , Larry , July(+), Mel , Lando , Boss Lino , Bien , Bert , Boss Plata, Boss Ike , Boss Joe , Boss Yolly , Ben , Ed , Celing , Manong Jun , Jun , Jess...sa nakalimutan puwede pang ihabol.



This picture was taken at Los Banos, Laguna. This is SO's outing with some tennis competition. And I think this picture was taken in the year 1981. I was the neophyte in this group.

Okay to those who can share some stories with this picture please do so. Maybe some stories on the whereabouts of these great men and women.

I think this is the only way we can preserve the golden years of our stay with Napocor.

This will be where your sons, daughters and "apos" could read and view the stories of how their mothers, fathers, grandmothers, grandfathers, ninongs and ninangs worked and enjoy life during their stay with Napocor.