Monday, October 10, 2011

Hi-Tech Na Si Lolo


Isang bagong website ang aking sinubukang gawin at ito nga ang Hi-Tech Na Si Lolo na ang layunin ay mabigyan ng konting gabay ang ating mga mahal sa buhay lalo na ang ating mga Tatay at Nanay o Lolo at Lola na sa ngayon ay palagian na lamang na naiiwan sa bahay.

Sa aking palagay naman ay halos karamihan sa ating bahay ay may computer na naiiiwan. At puwedeng ipagamit sa ating mga matatandang mahal sa buhay.

Naisipan ko ito dahil sa nasabi sa akin ng isang kaibigan isang VP na siya sa isang magandang opisina pero sabi niya ay hanggang sa paggawa lamang ng email ang kanyang nagagawa sa kanyang laptop. Siya kasi ay nasa idad 50 plus na at malamang talagang maaaring may tauhan siya sa opisina na gagawa sa kanya kaya marahil hindi na siya gumagawa ng paraan matutunan ang maraming nagagawa ng isang computer.

Ayoko rin kasing makita na naiiwan na lamang ang mga Tatay at Nanay o Lolo at Lola sa harapan ng telebisyon. Kailangan kasi kahit papaano ay maging malikhain(creative) pa rin sila sa kanilang buhay kahit sinasabing retirado na sila o senior citizen at ang isang paraan nito ay ang paggamit ng computer na kung saan ay maraming matutunan sa loob ng internet.

Tatalakayin dito sa mga simpleng paraan ang mga makabagong salita, halimbawa ay:

1. Wi-Fi/Wireless
2. Virus
3. Browsers
4. Internet
5. Parts of the Computer
6. Blog
7. Tablet computer
8. At mga bagong words katulad ng HDMI, USB,...at iba pa na madalas nakikita na sa mga bagong TV.

Nagkaroon din ako ng pagkakataon na makita ang mga taong may mga dementia na at maraming pag-aaral na nagsasabing na kapag ginagamit pa rin ng madalas ang isipan lalo na ang patuloy na pag-aaral o paggamit nito lalo na nga nang pagko-computer ay maiiiwasan ang tuluyang paghina ng memorya.

Kung may kasama kayo sa bahay na nais matuto ng computer ay bigyan ninyo sila nang paimulang pagtuturo at sa pamamagitan ng Hi-Tech Na Si Lolo ay maituloy ang pagtuturo sa kanila.

Maraming nagtuturo sa loob ng internet ngunit nakita ko na halos lahat ng ito ay nasusulat sa wikang banyaga.

Isang panimula lamang ito upang tuluyan na magkaroon ng panibagong mga pag-aaral ang ating mga mahal sa buhay sa mga makabagong teknolohiya.

Naito ang link sa website ng Hi-Tech Na Si Lolo (Here).

No comments:

Post a Comment