Thursday, February 16, 2012

It's More Fun in S.O.



Sa darating na February 25, 2012 ay magaganap ang isang 30th reunion ng mga dating empleyado ng System Operations nang dating National Power Corporation.

Masasabi kong nagmula lahat ang mga orihinal na taga SO sa Napocor o National Power Corporation. Na noong taong 2003 naman ay napalipat sa Transco 0 Transmission Corporation. At sa pangkasalukuyan naman ay nasa ilalim na nang NGCP o National Grid Corporation.

Halos 27 taon akong naging empleyado ng System Operations at masasabi kong nakita at nasaksihan ang mga trabaho, pagbabago, kaguluhan, kantyawan, lasingan at kasayahan sa loob ng System Operations. Kaya ang masasabi ko ay "It's more fun in SO."

Bakit "It's more fun in SO."?

Ang sarap ng respetohan.

Dito ko nakita ang malalim na tunay na pagrerespeto sa isa't-isa. Nalilito nga ang mga ibang empleyado noon na hindi taga-SO kasi hindi nila malaman kung sino ang boss at kung sino ba ang tauhan. Ang lahat ay tinatawag na Sir. Ang kung hindi naman Sir ay Boss ang ikinakabit sa una ng pangalan ng empleyado. At ang malamang kapag hindi bagay sa tunog ng pangalan lalo na sa mga seniors sa loob ng SO ang Sir o Boss ay ginagamitan naman ng Mr. o Mang.

At ito nga ehemplo na inabot kong mga tawagan noong 1979:

Mang Pol o Mr. Partoza at kung may biruan ay pwede ring PolBos. Pero ako ay nasanay na sa
Mang Pol.

Mr. Plata at Mr. Eleazar naman ang mga nakakataas noon sa SO.

Mang Maning( Pascual ). Mang Fred. Mang Ruben.

Boss Yollie o BosYo (Reyes) at Boss Orly (Angat)
Boss Joe, Boss Rolly, at Boss Ike

At ang lahat ay halos Sir at Mam na ang tawagan. Kasama dyan sa tawagan na iyan ang mga drivers at mga guwardiya sa loob ng SO.

At dahil sa isa ako sa mga huling umalis sa SO. Sabi nga nang mga bagong empleyado ay isang poste daw ng PMC building ay sa akin. Kaya ayun halos lahat ay Mang Jess ang tawag sa akin.


Di lang pampamilya, Pang sports pa!

Upang pagandahin ang samahan ng mga empleyado sa SO ay may taunang kompetisyon. Nagsimula ang lahat ng ito nang nasa isang bubong na lamang ang buong SO, sa PMC building sa Diliman, Quezon City. Dito kinagiliwan ang Battle of the Brains, Basketball, Swimming, Table Tennis, Chess, at Darts.

Mawala na ang Overtime, 'Wag lang ang Kantyawan!

Ganyan kasaya sa loob ng SO. Kaya ba ng ibang grupo yan?

Di baleng Sira-ulo, 'wag lang bungi!

Isang biru-biruan ito kapag may-interview daw ang isang aplikante sa SO. Tingin ko totoo ito...haha.

Naging magkakapamilya at kapuso!

Dahil sa sarap at saya ng samahan sa SO ay halos naging magkukumpare at kumare ang mga empleyado dito. Na lalong nagpatibay sa masasayang samahan sa loob at labas ng SO.

At marami rin na sa loob ng SO ang nagka-asawahan. Katulad nila:
Marilyn at Alex(Sace), Bing at Cora (Guanzon), Kate at Celing (Medina), Henry at Espie (Marasigan)....


Ang buwan ng Disyembre ay parang Pistahang Pasko sa SO!

Isang naging tradisyon noon na magkaroon ng isang malaking Christmas Party sa SO na kadalasan na ginagawa noon sa PMC building basement. Kay daming masasayang alaala ng selebrasyon ang ginawa PMC basement. At bago ang malaking party na ito ay may kanya-kanyang party ang mga Departments at Divisions ng SO na kung saan ay pwedeng bumisita at makisaya ang lahat.

At ang huling sampung taon ko sa SO ay naging kasayahan na ang pagtugtog ng SO Band tuwing Christmas Party. Tunay na mauuwi ang lahat sa sayawan.

Mga Birthday ng mga BOSS!

Halos bawat buwan ay siguradong may kainan at inuman kapag kaarawan ng isang VP o Managers ng SO. Kaya takbo na bago maubusan ng pansit, pandesal, at beers.

Up, Up, and Away!



Dahil sa dami ng projects ng SO kaya ayun halos lahat ay nagkaroon ng pagkakataon na makasama sa training sa abroad. Super saya talaga...syempre.

Drink Now Pay Later!

Walang iwanan. Kaya sa mga happenings after five ay sama na. Divide-divide ang tawag naman dyan in the morning. Salamat Kuya Mel(Nodalo).

It's more fun kasi dahil may isang Boss Yolly!

Iba ka talaga Boss Yolly. Nakita ko kung paano mo pinasaya at pinakisamahan ang lahat sa SO sa kabila ng mabigat na trabaho ang ating ginagawa noon. Wala ka na noon sa SO pero di ka nagbago at patuloy mong ginagampanan ang iyong nasimulan na magdulot ng kasayahan hanggang sa ngayon.

Maraming salamat Boss Yollie sa kasayahan at sa buong SO.


Tunay na "It's more fun in System Operations."




















Monday, January 23, 2012