Wednesday, September 23, 2009
Happy 67th Birthday Boss Lino!
Sabi nga ni Boss Lino sa akin kanina sa email.... "I am 67 going 47. . . .The way I feel. "
At hindi po speed ng sasakyan ang aming pinag-uusapan kundi ito po ang pakiramdam niya sa kanyang idad...still going strong. Sa katunayan po ay nakakalima pa siya....nakakalima pa siyang ibat-ibang prutas sa maghapon....kaya po talaga siya ay very healthy.
Ayun po iyong picture niya sa gilid...talagang idad 47 lang po.
Today is his birthday in the Philippines.
Teka kakanta muna ako ha....kantang only in the Philippines.
Hapi-Hapi-Hapi Birthday!
Sa iyo ang inumin....Sa iyo ang pulutan!
Sana mapaligaya mo kami!.......Yehey!!!!
Ano ba kuwento ko kay Boss Lino? Kuwento ko ito ha walang kokontra. Ito naman ay sa aking mga maiikling sandali na nakakahulabilo siya sa SO lalo na nung lumipat na lahat sa PMC.
Very soft-spoken...hindi ko siya nakitang nagalit o nagtaas ng boses. Ewan ko lang dun sa mga pasaway na mga dispatchers(peace man!)....hehe sa madaling salita mabait po si Boss Lino...isang tunay na ama sa kanyang mga pasaway na mga anak sa Control.
Yun nga po bilib ako sa kanya dahil hinawakan niya bilang Manager ang mga super na magagaling at minsan makukulit na mga dispatchers(tatak yan ng mga original SO). Dahil cool na cool lang siya sa pag-managed sa kanila...kaya ayun nagkasundo sila.
Ang alam ko po siya ay tubong Bulacan. Feel na feel sa kanyang pagsasalita.
At kung hindi ako nagkakamali ay nagsimula siya ng career niya sa Napocor, bilang isang Ehinyero, sa Bataan Thermal Plant o Ambuklao HEP. Teka nalito yata ako dun ah. Sinong may tamang sagot?
Talagang sa lawak po ng kanyang ekspiriyensiya, siya po ay napunta sa System Operations. At dun ko nga po siya unang nakita sa Delta sa Meralco, Ortigas.
Mukhang dumadaplis na ang memory ko, pakitama na lang po. Siya po yata ay nag-retire dahil kasama na siya sa Magic 87....hehe di ko na kayang ipaliwanag yan...kaya nga magic eh!
At ayun po dahil nakatira kami sa isang subdivision lang...siya po ay naging very active sa pagpapalakad ng mga aktibidades at isyus sa aming Village.
Sa ngayon ay patuloy siyang nagiging Minister of Information...dahil siya po ay very aktib sa pagpapalaganap ng mga importanteng nangyayari o balita sa loob at labas ng Napocor, Transco at NGCP sa pamamagitan ng kanyang mga informative emails.
Boss Lino alam ko kaunti pa lang ang nabanggit ko sa inyong mga accomplishments sa buhay lalo na sa serbisyo ninyo sa Napocor.
Sumasaludo po ako sa inyo dahil naging parte po kayo ng glorious days ng Napocor.
Naito po ang isang awit para sa inyo.
Muli po HAPPY 67TH BIRTHDAY!
Subscribe to:
Posts (Atom)